Tuesday, November 4, 2008

Evolution of Surnames @ Sta Cruz




Nagtanong si Romel Barrera. Kamag-anak ba ng mga Miraflor ang mga Miraflores? Pareho namang mahilig sa Musika yang dalawa -- si Lito Miraflor, Music Teacher natin noong high school; samantalang si Dado Miraflores ay Music Teacher natin noong elementary, at ang pasimuno sa Rondalla. Kaya lang, si Lito Miraflor ay laging nag-iisa. Pero si Dado Miraflores may kasamang D Super Sound Band. Siguro tama ang aking hinala – ang plural form ng Miraflor ay Miraflores. Nag-evolve lang.

Speaking of evolution ng apelyido, tingnan n’yo kung paano nag-evolve ang apelyidong Ebu to Ebuenga.

1. Ebu
2. Ebue
3. Ebuen
4. Ebuenga

Sa apat na yan, yong Ebu lang ang hindi taga Sta. Cruz. Bakit kaya? Evolution nga, e.

Sumagot si Pitong. Hindi nga T.G.I.S. (TaGa Ite Sta Cruz) ang Ebu kase wala akong kilalang Ebu. Edu Manzano meron. Ang kilala kong Ebue naman ay si Angel Ebue na naging karibal ni Marvin Castil sa panliligaw kay Angie Gabriel. Sa Ebuen, iyong anak ni Treasurer Ben Maneja – si classmate Ebuen Maneja (oops, Edwin Maneja pala). Ang kilala ko namang Ebuenga ay iyong favorite teacher ng mga taga Annex Elementary School sa Practical Arts -- si Mr. Ebuenga na mas kilala bilang Tarzan.

As regards Miraflor at Miraflores -- ang tingin ko dyan ay defense mechanism yan ni Dado Miraflores. Kase sa Sta. Cruz, marami ang mga Miraflor. Tulad ni Lito Miraflor; ang mga magkakapatid na Achot at Joel Miraflor; ang aming tapat bahay sa Real Street na sila Sammy Miraflor. Samantala, ang alam ko lang na Miraflores ay si Mr. Super Sound Band, Dado Miraflores. Dahil nag-iisa sya, plinural tense nya ang Miraflor at ginawang Miraflores para tumabla sila.

Objection ni Balong Movilla. Sorry to tell you. . . .Objection your Honor. Mali ang conjugation n’yo ng EBU. Dapat ay ganire:

1. EBU
2. EBUE
3. EBUEN
4. EBUENG
5. EBUENGA
6. EBUENGAN

Ang pamilya ng mga Ebu hanggang Ebuengan ay nagkalat lamang sa paligid ng Sta. Cruz, Candelaria, Masinloc at Palauig. Kung may karagdagan pa dyan, baka Past Future Participel to the Max na po yon.

Nagtanong Uli Si Romel. Relatives ba ni Kuyang Piko Espino ang mga Espinosa?

Sumagot Uli Si Pitong. H’wag mong nasasambit ang Espinosa kay Kuyang Piko dahil muling bumabalik ang kanyang mapait na alaala kay Imelda Espinosa, pinsan ni Lakay Winston Ginez, at classmate ni Kuyang Piko noong high school. Si Imelda ay isa ng dalubhasang doctor na ngayon ay namimirmihan sa Chicago, Illinois. Kababayan baga ni Barak Obama. Kung si Kuyang Piko ay 50 times basted kay Manang Inday ni Insan Balong, kay Imelda Espinosa ay 9 times basted lang naman si Kuyang Piko. Pero h’wag mong iisnabin ang kagandahang lalaki ni Kuyang Piko dahil kung si Barak Obama ay first Black President sa US, si Kuyang Piko ang magiging first Black President ng Romnick Sarmenta Fans Club.

Ang dapat mong itanong -- Magkamag-anak ba ang mga Espino at Espano sa Sta. Cruz?

Pumalag si Piko Espino. Yaman din lamang at ako ay di mo tantanan kung kamag-anak ko nga sila Barak o si Obama, sasagutin ko ang iyong katanungan.

Kung yang Espano ay gwapo, chances are kamag-anak ko yan;
Kung yang Espano ay matangkad, chances are kamag-anak ko rin yan;
Kung yang Espano ay galing sa Europa bilang native at hindi slave, chances are kamag-anak ko lalo yan;
Kung yang Espano ay abogado, ehem! chances are champion litigation lawyer yan;
Kung yang Espano na yan ay matipuno, ehem ehem ehem... need not look far... ako pa rin ang first cousin n’yan.

Pero kung yang Espano ay si Egay, malamang anak sa labas ng mga Espino na nakikidalit sa amin;
Pero kung yang Espano eh basted sa babae kahit minsan, ehem malamang third degree cousin yan ng kamag-anak ko;
Pero kung yan ay baduy, ehem! malamang ay pilit lang akong ginagaya sa pananamit.

You have to understand that Espano is very Spanish.

Di ba matangkad ako?
Di ba maputi ako?
Di ba makinis ako?
Di ba Piko is short for “Pikoten”? Lahing pikoten ang mga Espino.

Ika nga ni Sharon Cuneta. . .Sakay na!!!

Pati si Hazel Abalos Nagtanong Na Rin. Ano ang evolution ng Mon?
1. Mon
2. Monta
3. Montano or Montalla?

Pahabol ni Pitong. Ang evolution ng apelyidong Mayo:

1. Mayo -- as in agua de mayo or flores de mayo;
2. Mayor --as in Mayor Chito Marty;
3. Mayora -- as in Connie, lamo ni Mayor Chito Marty; and
4. Mayoralde -- as in Mayor ka na, Alkalde pa.

No comments: