Tuesday, September 16, 2008

Sambale 101

Sambale ka? Duman? You’re the man! Hino man? Mama Eman!

Last weekends, sa aking pagmumuni-muni matapos akong nakipag-usap sa aking mga anak, akin lang napagtanto na darating ang panahon na ang ating salitang Sambale ay mawawala balang-araw. Katulad ko, ang aking mga anak ay di alam magsalita ng Sambale.

Karamihan sa atin ay nasa ibang bansa, kaya I doubt kung meron alam na Sambale word ang inyong mga anak. Maging tayo rito na naiwan sa Pilipinas, kung ang ating mga asawa ay hindi mga taga Sta Cruz, ang tendency natin ay kausapin ang ating mga anak sa Tagalog, o practice English sa ating mga tahanan. Tulad ko, ang aking asawa ay from Naga City, kaya Tagalog kami sa bahay. Kahit na yong mga klasm8s natin na nagkatuluyan tulad nila Carmel Manila and Fe Ebuen, Balong Movilla at Ondette Abalos,at si Romel Barrera at Arlene Ebuen (Batch 89). Pare-pareho silang mga Sta. Cruz, pero marahil Tagalog o English ang kanilang usapan sa kanilang tahanan.

So I told my kids, I will teach them one Sambale word a day. As the saying goes -- "One Sambale word a day is 7 Sambale words a week!"

The first word I taught them is "TITINGKAPON". Sa mga Tagalog, ang ibig sabihin nyan ay lalaki na kinapon ang kanyang ari. May pagkabastos, di ba? Pero ang TITINGKAPON sa Sambale ay HAHANAPIN. Example: Titingkapon ko ot yay lalakin manglabi kongko nin husto. ("I will still find the man who will love me full price!").

Di ba nakakatuwa ang ating salitang Sambale. Eto pa – “TATAKAN MO”. Sa mga Tagalog, it simply means “to put a mark”. Pero sa atin sa Sambale, we use “TATAKAN MO” to mean “puwet mo”.

Kapag nasa Sta. Cruz ka, and you overheard somebody saying -- "I take a bath!" Wag mong aakalain na balikbayan yon at nag-eenglish sa mga kanayon nya. He is simply saying -- "Ayti ka ibat?" -- which means – Saan ka galing? Similar Sambale words include “I run” or “ayran” which means stares and our famous “ya” for yes.

Noong bata ako, sabi ng Indo ko -- "Isulot mo yay bayo mon BISWOK." Ang"biswok" ay matandang Sambale word na ang ibig sabihin ay tsinelas or slippers in English. Pero kung iyong susuriin, ang biswok is a bastardized English of "beach walk". True enough, Beach Walk is a brand of slippers. Pero ayon kay Balong Movilla, mas sosyal ang mga taga-Candelaria, ang tawag nila sa tsinelas ay “crocs”.

Another Sambale word na bastardized English tulad ng biswok ay ang "MADIBIS" which means "MAGALING". But actually, madibis was taken from the word "the best". So if you mean "pinakamagaling ka" you say that in Sambale as "pinakamadibis ka". "Pagalingan tayo" -- in Sambale, you say "padibisan ta".

Do you remember during our elementary days? We pay 10 centavos for the bread we called “piding”. Masarap yang “piding” na yan lalo na kung lagyan mo ng palamang Milkmaid o yong gatas condensadang “Darigold”. Actually, the “piding” bread is “nutribun” – a supposed bread donated by the US Government to provide nutritious supplement food to Filipino children. However, the word “piding” is a bastardized English word taken from the word “feeding”, because we eat the “nutribun” during “feeding time” at 3 PM.

Noong bata pa tayo, for “jack n poy”, we use the word “silik” which was taken from the English word “select”. So kung mamimili tayo ng taya, o kung sino dapat ang mauna sa laro – we normally challenge our playmates to “silik” to determine the “taya” o yong dapat mauna sa laro.

Again, if you are in Sta. Cruz, and you overheard somebody saying -- "Coca-cola" – wag mong aakalain na isa na namang balikbayan yon at nag-eenglish sa mga kanayon nya. Sa mga taga California, “Coca-cola” is soda, pero sa mga taga Sta Cruz, it is short for "no makuka, maku hila" (Kung pupunta ka, pupunta sila). This is a clear example na ang salitang Sambale ay tunog manok. Pakinggan natin ang dalawang taga Sta. Cruz na nag-uusap:

SC #1: kuka? - ("punta ka?")
SC #2: kae. ongkot? - ("hindi. bakit?")
SC #1: no kuka, ko ko. - ("kase kung pupunta, pupunta ako.")
SC #2: ok, ko ko nunin pigaw ku ka. - ("ok, pupunta pala ako para pumunta ka.")
SC #1: no ko ko, bisa ko ka, ko la. – (“kung punta ako, bago pupunta ka, pupunta sila.”)
SC #2: ok, lako tamo mako. – (“ok, marami tayong pupunta.”)
SC #1: kika kaka ko? - ("sasama kuya ko?")
SC #2: ka na, lako ana - ("wag na, marami na tayong kasama.")
SC #1: kapasnop ka - ("nakakainis ka")
SC #2: ika - ("ikaw")

Di ba, panay "ka ke ki ko ku" ang ating mga salita na kasing tunog ng "kok ko ro ko kok". Kaya kung may ibang tao na nagsasabi na parang tunog manok ang ating Sambale, marahil totoo. Ano sa palagay nyo? By the way, kung may alaga kayong aso, wag ninyong pakainin ng mga buto ng manok. Masama yon. Kase, yong buto ng manok ay masyadong maninipis at matutulis na maaring bumutas sa mga intestines ng ating alagang aso at kanilang ikamamatay due to internal bleeding. With this in mind, papaano si Balong Movilla na malimit tumambay sa Naulo at may himas-himas na teksas na panabong? Ang kanyang mga alaga ay manok na panabong, pero ang kanyang pinapakain ay buto ng kalderetang aso. Masama rin ba?

Going back sa ating usapin, may isang Sambale word na palaging ginagamit ni Doc Mol Two (Dr. Molly Lua, anak ni Romy’s Hardware) kung sya ay nakikipag-usap sa kanyang mga pasyente, kaibigan at iba pang kausap na hindi taga Sta. Cruz at hindi alam ang Sambale, eto yong -- "AMPAKUNG". Laging ginagamit ni Doc Mol Two etong word na AMPAKUNG lalo na kung nakikipagdiskusyon sya. Sa wari-wari ko, hindi naman Sambale word yan kundi salita ng isang Intsik na lumaki sa Sta. Cruz at gustong mag-Tagalog. Para kay Doc Mol Two, ang "AMPAKUNG" stands for "papaano kung".

O sya until next lesson natin sa Sambale 101.

No comments: